 |
Ang Paninigarilyo
Sa Pilipinas, ang mga kabataan ay nagsisimulang magsigarilyo
sa edad na pitong (7) taon. Nagiging regular na ang
paninigarilyo sa edad na 13 hanggang 15 taong gulang.
Isang tao
kada 13 segundo, o isang milyong katao taun-taon, ang namamatay
dahil sa paninigarilyo.
|
Ang
paninigarilyo ay ang pangunahing sanhi ng sakit sa puso, baga, kanser,
diabetes, osteoporosis at marami pang iba. Ito din ay madalas
na sanhi ng pag-atake ng hika.
Ang paglanghap
ng usok ng sigarilyo (secondary moke) ay nakaka-apekto din sa kalusugan.
Ang Sigarilyo
- Naglalaman ito ng 14 na kemikal
na nakaka-kanser.
- Ang usok nito ay naglalaman ng mahigit
sa 4,000 kemikal na pumipinsala sa kalusugan at kapaligiran.
- Ang nikotinang laman ng sigarilyo
ay sanhi ng pagka-adik dito.
- Ang usok ng sigarilyo ay mayroong
carbon monoxide na siya ring ibinubuga ng mg tambutso ng
sasakyan.
- Ang tar ay nagpapadilaw ng
ngipin at mga daliri.
Epekto ng Paninigarilyo
sa Kalusugan
Ang paninigarilyo
ay nakaka:
- pangit
- kulubot ng balat
- mabahong hininga
- baog
Ito rin ay pinakamadalas
na sanhi ng:
- atake sa puso at stroke
- pagtaas ng blood pressure
- paglapot ng dugo
- kanser sa baga, bibig, lalamunan,
matris at pantog
- low birth weight at birth defects
ng sanggol sa sinapupunan
- katarata at pagkabulag
Ang lahat ng ito ay makikita rin sa
mga palagiang nakakalanghap ng usok ng sigarilyo.
|
Maninigarilyo ka
pa ba? |
Mga Dapat Gawin!
|
|
|
- Huwag magsimula.
- Kung naninigarilyo na, huminto agad.
- Humingi ng tulong at suporta sa
pamilya sa desisyon mong huminto.
- Huwag pumasok sa kwartong may naninigarilyo.
- Kung hindi tuluyang maihinto ang
paninigarilyo, komunsulta sa Smoking Cessation clinics.
|
|