Kumilos Ka Naman!

    Manonood ka na lang ba ng TV maghapon, magdamag? Magko-computer ka na lang ba lagi?  Uupo ka na lang ba dyan? Kumilos, gumalaw at mag-ehersisyo ng regular!

Kahahantungan ng Physical Inactivity

    Ang Physical inactivity o kawalan ng gawaing pisikal ay:

  • isa sa mga pangunahing dahilan ng maagang pagtanda, pagkamatay at pagkakaroon ng mga sakit at kapansanan;
  • dino-doble ang tsansang magkaroon ng sakit sa puso, alta presyon at diabetes milletus;
  • isa sa mga pangunahing dahilan ng obesity o sobrang pagtaba;
  • lumalaki din ang tsansang magkaroon ng kanser sa suso at sikmura, alta-presyon, sobrang kolesterol, osteoporosis, pagkabalisa ng isip at depression.

30 Minutes Lang Araw-Araw

    Tatlumpung (30) minuto lang araw-araw ng paggalaw at pagkilos para sa kalusugan ang kailangan, katulad ng:

  • 30 minutong maliksing paglalakad o brisk walking
  • pag-akyat at pagbaba sa hagdan
  • paglilinis at iba pang gawaing bahay
  • paghahardin
  • pagbibisikleta
  • pagsasayaw

Para sa karagdagang benepisyo sa kalusugan, ugaliin ang pag-eehersisyo ng hindi bababa sa 30 minuto, 3 hanggang 4 na araw sa isang linggo.  Huwag kakalimutang mag-warm up bago magsimula at mag-cool down pagkatapos.

Alamin ang angkop na gawaing pisikal na bagay sa iyong katawan at kalusugan.

Kung mayroon kang kapansanan o sakit na nararamdaman, kumonsulta muna sa duktor bago magsimula.

 
Home | Back to DOH