 |
Pagbabawas
ng Sobrang Timbang
Ang Problema
- Ang obesity o sobrang pagtaas
ng timbang ay isang seryosong problema ng kalusugan.
- Ayon sa Food and Nutrition
Research Institute, 4% ng mga Pilipino, lalaki at babae, may
edad 20 taon pataas ay obese. Ito ay mas marami sa
kababaihan at pataas ng pataas taun-taon.
- Ang tsansang maging obese ay
tumataas sa gulang na 40-59 taon.
- Itinataya na sa taong 2008, 20% ng
mga Pilipino ay magiging obese.
|
Masasamang Dulot
- Pangunahing dahilan sa pagkaroon ng
dyabetes, alta presyon, sakit sa puso, apdo, bato, rayuma at gout.
- Mas nagpapahirap sa taong may emphysema
at hika.
- Ginagawang peligroso ang pagbubuntis
at panganganak.
- Maaaring magdulot ng komplikasyon sa
anumang operasyon.
- Nagpapaikli ng buhay.
- Nakakabawas sa kakisigan ng lalaki o
kagandahan ng babae.
Mga Dapat Gawin
- Iwasan ang mga pagkaing sagana sa
asukal, taba at mantika.
- Kumain ng mga pagkaing sagana sa fiber
tulad ng gulay, prutas, pagkaing ugat, mais at iba pang butil.
Ang fiber ay tumutulong sa pagpapababa ng antas ng asukal,
taba at kolesterol sa dugo.
- Uminom ng tubig bago, habang at
matapos kumain. Makakatulong ito para sa mabilis na pagkabusog.
- Kumain sa regular na oras at huwag
magpapakagutom. Ang taong gutom ay napapakain ng marami.
- Basahin ang etiketa ng mga
produktong pagkain para maiwasan ang mga nagtataglay ng maraming
kaloriya, taba at asukal.
- Kumonsulta sa isang Nutritionist-Dietitian
para sa iyong araw-araw na diet plan na alinsunod sa iyong taas,
timbang, uri ng pisikal na gawain at kondisyon ng kalusugan.
- Gumalaw, kumilos at regular na
mag-ehersisyo. Para sa tamang uri at tagal ng ehersisyo,
sumangguni sa duktor lalo na kung may nararamdamang hindi
kanais-nais.
- Subaybayan ang iyong progreso,
magtimbang lingu-linggo. Iminungkahi ang pababawas ng hindi
hihigit sa isang kilo sa bawa't linggo.
- Maging matiyaga. Nakasalalay
sa iyong disiplina sa sarili at determinasyon ang iyong
tagumpay.Kaya mo yan!
|