Ang pagkakaroon ng
STRESS ay isang normal na bahagi ng pang-araw-araw
nating pamumuhay.
Kadalasan pa
nga, ang pagkakaroon ng stress ay hudyat upang umisip at gumawa
nag mga paraan o bagay na makakabuti para malutas ang isang sitwasyon.
Subalit kung
hindi maayos ang pagharap sa sitwasyon, ito ay maaaring mauwi
sa mga problemang pangkalusugan.
Mga Sanhi ng Stress
Sa Bahay:
Kawalan ng pera
Problema sa relasyon ng mag-asawa
Pagod sa pag-aaruga ng mga anak
Pagkakaroon ng sakit o kapansanan
Pagkakasakit ng mahal sa buhay
Pagkawala o pagkamatay ng mahal sa buhay
Sa Trabaho:
Pagkawala o paglipat ng trabaho
Pakikitungo sa boss at sa mga katrabaho
Pagod sa pagtatrabaho
Kawalan ng gana sa trabaho
Mababang sahod
Layo ng lugar ng trabaho mula sa bahay
Epekto ng Stress
Kung hindi mako-kontrol ang stress, ito
ay maaaring humantong sa:
alta-presyon o stroke
pagka-mainitin ng ulo
panankit ng ulo
diarrhea o patatae
ulcer
insomnia o ang hindi pagkatulog
depression
Maaari ding maging dahilan
ng atake sa puso.
Pag-iwas sa Stress
Think Positive.
Ang pagkakaroon ng positibo at magandang pananaw sa buhay ang magbibigay
ng lakas ng loob upang harapin ang mga problema at tanggapin sa sarili
ang mga bagay na hindi talaga kayang baguhin.
Makipag-usap
sa taong mapagkakatiwalaan. Ang pakikipag-usap o paghing
ng problema sa taong mapagkakatiwalaan tulad ng kamag-anak o kaibigan
ay paraan upang mawala ang tensyon na nararamdaman.
Mag-relax.
bigyan ang sarili ng panahon para makapag-relax o gawin ang mga bagay
na maaaring makapagbigay ng kasiyahan.
Magpahinga
at Matulog. Ang pagpapahinga at pagtulog ng mahimbing ay
nakakatulong upang manumbalik ang kasiglahan ng katawan at isipan.